^

Dr. Love

Ayaw nang maging punching bag

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong OFW sa Hong Kong. Ang problema ko po ay ginugulo nang nilayasan kong asawa ang aking nanay at kinukuha ang dalawa naming anak.

Sa isang barangay sa Samar kami naninirahan noon ni Mario, ang lugar kung saan kapwa rin kami lumaki. Dating masaya ang pagsasama namin kahit paekstra-ekstra lang siya sa construction, nakakaraos naman kami kahit paano.

Pero nagumon siya sa alak, nagbago siya ng ugali. Naging mayayamutin, palasigaw at kapag dinapuan ng selos ay ginagawa akong punching bag. Dahil naging madalang na lang ang trabaho niya ay minabuti kong magtinda-tinda sa palengke, kung minsan ay naglalabada naman ako sa mayamang chairman sa aming barangay.

Nang minsan naidaing ko kay chairman ang aking problema ay tinulungan niya akong makahanap ng trabaho bilang house keeper sa Hong Kong. Nakaalis po ako. Lumuwas naman pa-Maynila sila nanay at ang mga bata at doon na nangupahan.

Akala ko ay tapos na ang pagpapaka-martir ko. Pero natunton ni Mario ang tinitirhan nila nanay at pilit na kinukuha ang mga bata. Nasuplong po siya ng aking ina sa tulong ng kamag-anak. Pero nagbanta siya na hindi titigil hanggang hindi nakukuha ang mga anak namin.

Ayaw ko nang makisama sa kanya. Payuhan po ninyo ako. Salamat po.

Gumagalang,

Elisa

Dear Elisa,

Huwag kang matakot na harapin ang asawa mo at pag-usapan ninyo ang problema n’yo. Baka sakaling maayos ang gusot. Pero kung hindi, sa pagkakaalam ko hindi basta makukuha ng asawa mo ang mga bata. Dahil wala siyang matinong kabuhayan para suportahan ang mga bata at isa pa, gumon siya sa bisyo. 

Para sa katahimikan ng kalooban mo, marahil pinakamabuti na palipatin mo uli sa ibang lugar ang iyong nanay at ang mga bata. Kung kinakailangan, pwede mong idulog sa korte ang kalagayan ninyo.

Dr. Love   

AYAW

DAHIL

DEAR ELISA

DR. LOVE

ELISA

GUMAGALANG

HONG KONG

MARIO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with