Dear Dr. Love,
Kamusta po kayo? Sana’y masaya kayo at walang problema sa pagtanggap ninyo sa aking liham. Hindi katulad ko na malungkot dahil sumaÂkabilang-bahay ang aking mister.
Tawagin mo na lang akong Lydia na ngayo’y isa nang single parent dahil one year nang wala ang asawa ko. Natukso siya at sumama sa ibang babae na mas bata at maganda kaysa sa akin.
Aaminin ko na sa edad kong 38, ako’y tuÂmaba nang husto at napabayaan ko ang pagpapaganda. Dangan kasi’y nagtitinda ako sa palengke para dagdagan ang kapus na kinikita ng aking mister kaya hirap akong asikasuhin ang pagpapaganda.
Sa kabila ng lahat, hinahangad kong balikan ng aking asawa pero ang tanong ay papaano? Maganda ako noong araw at masasabi kong mas maganda ako sa babaeng sinamahan niya kung hindi ako naging losyang.
Ngayo’y nakapisan kaming mag-ina sa aking mga magulang. Posible pa kayang magkabalikan kami?
Lydia
Dear Lydia,
Hindi ko masasagot ang katanungan mo. Pero siguro kung magpapapayat ka at maibabalik ang dati mong ganda, maaaring balikan ka ng iyong nagsalawahang asawa.
Pero habang maligaya siya sa piling ng kanyang “other woman†tila medyo malabong mangyari ang pakikipagbalikan maliban na lang kung makonsensya siya dahil nasa poder mo ang kanyang anak.
Kaya pagbutihin mo ang pagpapa-seksi. KaÂhit tindera ka sa palengke, dapat kaakit-akit ka para mahimok mo siyang magbalik.
Dr. Love