Collect then select

Dear Dr. Love,

Hi and pleasant day to you. Tawagin mo na lang akong Izza. Ako ay 21 at isang call center agent.

May tatlong boyfriends ako pero hindi sila nagkakaalaman. May kani-kaniya silang sche­dule­ sa akin.

Pare-pareho ko silang mahal pero alam kong isa lang ang puwede kong pakasalan sa kanila kaya masusi kong pinag-aaralan ang kanilang ugali.

Naniniwala kasi ako sa kasabihang “collect­  then select.” Kaso nahihirapan ako sa pagpili dahil pare-pareho silang good-looking at matalino.

Ano ang gagawin ko para mapili ang right guy?

Izza

Dear Izza,

Unang-una hindi ako pabor sa “collect then select”. Isa lang ang dapat mong maging boyfriend at one time dahil magiging unfair ka sa sino mang ibabasura mo.

Dapat sana’y nagsimula kayo bilang mga friends muna and from there, kung sabay-sabay man na manligaw sila sa iyo, doon mo gawin ang pag-evaluate sa kanila kung sino ang iyong sasagutin.

Tinatanong mo ako kung sino ang iyong pipiliin? Aba, problema mo iyan. Kung pare-pareho mong mahal ang mga iyan at wala kang itulak-kabigin, daanin mo kaya sa toss coin?

Dr. Love

 

Show comments