^

Dr. Love

Gandang panloob

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Edward, 20-anyos. Namo­mroblema ako sa aking kasintahang si Ditas.

Niligawan ko siya two months ago dahil maganda at crush ng bayan. Kaya very proud ako nang mapasagot ko siya. Hindi naman ako kagandahang lalaki pero super ganda ang siyota ko.

Minsan, lumapit sa akin ang isang katropa at sinabing “tinotorotot” ako ni Ditas. Nagalit ako sa narinig kong ‘yun at sinapak ko ang aking kaibigan.

Nalaman kong totoo ang balita dahil nakita ng sarili kong mata na kumakain sa fast food si Ditas kasama ang isa pang kasintahan niya. Magkatabi at very sweet.

Hindi ko na sila kinompronta pero nang magkita kami ni Ditas ay sinumbat ko ito sa kanya. Sa halip na mag-sorry ay tumawa pa siya at sinabing masyado akong old fashioned­. Hindi na raw uso ngayon ang stick to one.

Dr. Love, mahal ko si Ditas. Paano ko siya makukumbinsi na mag-stick na lang sa akin?

Edward

Dear Edward,

Mahal mo nga siya pero hindi ka naman niya talaga mahal kundi idinadagdag ka lang niya sa koleksyon ng mga lalaki. Magtitiyaga ka sa babaeng ganyan?

Gaano man kaganda ang babae kung iiputan ka sa ulo ay dapat mong layuan. Hindi lang siya ang babae at mas maraming maganda sa kanya hindi lang sa panlabas kundi sa ugali.

Ganda ng kalooban ang tingnan mo at hindi panlabas.

Dr. Love

DEAR EDWARD

DR. LOVE

GAANO

ISANG

KAYA

MAGKATABI

MAGTITIYAGA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with