Dear Dr. Love,
Masayang pagbati sa iyo at sa milyon mong mga tagasubaybay.
Isa ako sa mga masugid na sumusubaybay ng iyong pitak araw-araw. Tawagin mo na lang akong “White Lily†ng Santiago, Isabela.
Ako po ay 30 anyos na, may asawa’t isang anak. Pero sabi nila, mukha lang akong 20-anyos kaya kahit may asawa na ako ay maraÂming pumoporma sa aking lalakiÂ.
May tindahan kami at ako ang tumatao kaya maraming lalaking lumalapit sa akin at nakiÂkiÂÂpagkilala. Hindi ko naman sila puwedeng isnaÂbin kahit parang dumidiga na ang kanilang mga salita. Siyempre costumer sila.
Dahil dito’y nagseselos ang aking mister na nagtatrabaho sa isang sawmill. Sinasabi ko naman sa kanya na hindi ako papatol sa kanila. Ano ang gagawin ko para matulÂdukan ang pagseselos niya?
White Lily
Dear White Lily,
Hindi mo kasalanan kung naging attractive ka sa mga lalaki. Pero tama ka. Huwag kang papatol sa kanilang pandidiga.
Agad mong sabihin sa kanila ang iyong katayuan bilang may asawa at may isang anak. Natitiyak ko naman na igagalang ka ng mga lalaking iyan.
Tungkol sa iyong asawa, bigyan mo siya ng assurance na siya lamang ang mahal mo at hindi ipagpapalit kahit kanino.
Dr. Love