Dear Dr. Love,
Tawag ng obligasyong masasabi kung kaya nagkasama kami ng aking anak at naging daan din para magkaroon uli kami ng buong pamilya.
Isang taon pa lang ang anak namin ni Gigi, si Andy nang pumanaw siya. Naiwan sa pangaÂngalaga ng kanyang magulang ang aming anak. Pero makalipas ang tatlong taon ay ipinatawag ako ng aking mga biyenan dahil panahon na raw para gampanan ko ang obligasyon ko sa aking anak.
Naging sakitin na kasi sila at hindi na kaÂyang alagaan pa ang kanilang apo. Binalikan ko ang dati naming bahay ni Gigi, na una naming pinaupahan. Hindi naging madali ang mga unang linggo namin ng aking anak dahil malayo ang loob niya sa akin. Pero unti-unti ay naging ok na kami.
Isang umaga ay ikinagulat ko dahil wala na sa tabi ko si Andy. Nagkukumahog akong buÂÂÂmaba mula sa aming silid at dumiretso sa maÂÂdalas niyang puntahan, sa puwesto ng alaga niyang aso. Pero bago pa ako makarating ay narinig ko ang paghagikhik ng aking anak, kaÂusap niya ang nakatira sa may magandang hardin.
Nang mamalayan ni Andy na nasa paligid na niya ako ay agad niyang ipinakilala ang kanyang bagong kaibigan, si Edith na noon din ay nagpamangha sa akin. Ang kasimplehan niya ang nagpapatingkad sa kanyang malamlam na mukha at matangos na ilong.
Simula noon ay hindi lang si Andy ang naÂngaÂngapitbahay, kundi maging ako rin. Dahil dito, na-realize ko ang pangangailangan namin ni Andy, na siyang kukumpleto sa aming paÂmilya. Pagkalipas ng tatlong taon, nagkaroon ng happy ending ang lahat para sa amin ng aking anak, maging kay Edith kasama ang kambal naming mga anak na sina Michael at Nicole.
Salamat po sa inyo Dr. Love dahil sa payo ninyo sa unang liham ko, mahalin ko ang aking anak.
Gumagalang,
Eddie
Dear Eddie,
Maraming bagay ang natututunan natin sa buhay at may pagkakataon na hindi ito sa mga nakakatanda nakukuha, kundi sa isang paslit. Hangad ng pitak na ito ang ibayo pang kaligayahan ng pamilya ninyo ni Edith at nawa’y huwag kayong makalimot na ipagpasalamat ang lahat sa Maykapal.
Dr. Love