^

Dr. Love

In-love sa pinsan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal na po itong nangyari at ewan ko kung dapat pa ba itong mahalukay sa ilalim ng pinagtataguan kong baul ng mga gunita.

Pero hindi ko po maiwasang matanong sa sarili kung ano nga ba ang naging resulta ng aking pag-aasawa kung ang maganda kong pinsang si Rosalia ang nakatuluyan ko.

Isa akong maunlad nang propesyonal sa larangan ng engineering, si Rosalia ay isang fa­mily doctor. Hiwalay ako sa naging asawa ko na nabibilang sa larangan ng sining. Si Rosalia, hindi nag-asawa bagaman noon nagkaroon siya ng dalawang nobyo.

Malaki ang pagkagusto ko noon sa second cou­sin ko, nakialam ang aking pamilya at sinabing hindi ko puwedeng ligawan ang isang kamag-anak. Hindi raw magandang tingnan at mayroon itong epekto sa genes.

Alam ni Rosalia na kursunada ko siya at alam ko rin naman na may pitak din ako sa puso niya. Hindi yumabong ang pagtatangi namin sa bawat isa. Kapwa natuon ang aming atensiyon para sa kani-kaniya naming ambisyon.

Nang ikasal ako kay Mona noon, masama ang loob ni Rosalia ayon sa aking pinsan na malapit niyang kaibigan. Hindi nagtagal ang samahan namin ni Mona, hindi kami nagkaanak.

Matagal kaming hindi nagkita ni Rosalia dahil nangibang bansa siya para pag-ibayuhin pa ang kaalaman sa kanyang propesyon. Sa huling pagbabakasyon ko sa aming probinsiya, noon ko lang muling nakita ang aking first love na pinsan. Maganda pa rin siya sa kabila ng mga taong nagdaan.

Muling nabuhay ang aking puso. Sa pagkakataong ito, alam kong hindi na ako papipigil pa sa kung anu-anong mga dahilan para isaisantabi ko ang damdamin ko para sa kanya. Sa palagay kaya ninyo, para talaga kami ni Rosalia sa isa’t isa?

Maraming salamat sa pagbasa ng liham kong ito. Itago mo na lang ako sa pangalang Jimmy.

Gumagalang,

Jimmy

Dear Jimmy,

Kung talagang tunay at wagas ang pagma­mahal mo kay Rosalia, palayain mo munang ganap ang sarili sa naging pagpapakasal mo. Saka mo pakawalan ang matagal nang damda­min mo para sa kanya. Kung aayon ang lahat, ma­rahil kayo nga ay para sa isa’t isa. Ikaw lang ang makakabatid ng katiyakan sa magiging saloobin ninyong dalawa. Hangad ng pitak na ito na matamo ninyo pareho ang kaligayahan ng inyong puso. 

Dr. Love

ALAM

DEAR JIMMY

DR. LOVE

MATAGAL

PARA

ROSALIA

SI ROSALIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with