Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Nanay Tina at ang problemang idudulog ko sa iyo ay tungkol sa anak kong panganay na si Rossel.
Nasa tamang gulang na ang anak ko at may magandang trabaho sa banko. Siya ay 27 anÂyos na at masaya naman ako dahil responsable siya at malaki ang tulong sa aming pamilya.
Nagkaroon ako ng problema nang magkaÂroon siya ng isang boyfriend na istambay, waÂlang trabaho, laging nasa kanto at nakikipag-inuman sa mga basagulero sa aming lugar.
Pinagsabihan ko na siya na layuan ang laÂlaking ‘yun dahil wala siyang mapapala sa isang lalaking ganyan ang ugali.
Ngunit laging ang katuwiran niya ay nasa tamang edad na raw siya at hindi dapat pakialaman sa mga desisyon niya.
Pero umiiral sa akin ang pusong ina at ayaw ko siyang mapahamak.
Ano ang gagawin ko para maputol ang relasÂyon niya sa lalaking yaon?
Nanay Tina
Dear Nanay Tina,
Walang magagawa ang isang magulang kundi pangaralan lamang ang isang anak na nasa tamang edad kung nalilihis ng landas.
Tama ang anak mo na nasa edad na siya. Patuloy mo siyang pangaralan at kung sa dakong huli’y ipasiya niyang pakasalan ang laÂlaking yaon, wala kang magagawa.
Ang isang taong nasa wastong pag-iisip ay malayang gumawa ng desisyon para sa kanyang sarili at kung ano man ang ibubunga ng desisyon niya, siya ang magdadala nun.
Ipag-pray mo na lang na sana’y mabago ang takbo ng isip ng iyong anak at kung hindi naman ay magbago at maging matuwid ang laÂlaking minamahal niya.
Dr. Love