^

Dr. Love

Pusong Ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Nanay Tina at ang problemang idudulog ko sa iyo ay tungkol sa anak kong panganay na si Rossel.

Nasa tamang gulang na ang anak ko at may magandang trabaho sa banko. Siya ay 27 an­yos na at masaya naman ako dahil responsable siya at malaki ang tulong sa aming pamilya.

Nagkaroon ako ng problema nang magka­roon siya ng isang boyfriend na istambay, wa­lang trabaho, laging nasa kanto at nakikipag-inuman sa mga basagulero sa aming lugar.

Pinagsabihan ko na siya na layuan ang la­laking ‘yun dahil wala siyang mapapala sa isang lalaking ganyan ang ugali.

Ngunit laging ang katuwiran niya ay nasa tamang edad na raw siya at hindi dapat pakialaman sa mga desisyon niya.

Pero umiiral sa akin ang pusong ina at ayaw ko siyang mapahamak.

Ano ang gagawin ko para maputol ang relas­yon niya sa lalaking yaon?

Nanay Tina

Dear Nanay Tina,

Walang magagawa ang isang magulang kundi pangaralan lamang ang isang anak na nasa tamang edad kung nalilihis ng landas.

Tama ang anak mo na nasa edad na siya. Patuloy mo siyang pangaralan at kung sa dakong huli’y ipasiya niyang pakasalan ang la­laking yaon, wala kang magagawa.

Ang isang taong nasa wastong pag-iisip ay malayang gumawa ng desisyon para sa kanyang sarili at kung ano man ang ibubunga ng desisyon niya, siya ang magdadala nun.

Ipag-pray mo na lang na sana’y mabago ang takbo ng isip ng iyong anak at kung hindi naman ay magbago at maging matuwid ang la­laking minamahal niya.

Dr. Love

ANO

DR. LOVE

IPAG

NAGKAROON

NANAY TINA

NASA

NGUNIT

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with