Dear Dr. Love,
Hindi ko po maintindihan si kuya kung ano ang nagustuhan niya sa isang babae na bukod sa hiwalay sa asawa ay malaki ang agwat sa edad niya.
Wala pang 30 anyos ang Kuya Charles ko habang si Clara ay halos nasa 50 na. May dalawa itong anak sa unang asawa at ang isa pa ay sa kanila na ni kuya.
Pero unti-unti akong naliwanagan sa sitwasÂyon ng aking kapatid nang isugod ito sa ospital. Si Clara ang nagdala sa kanya at siyang nag-aruga.
Inatake ang kapatid ko ng alta presyon dala ng kanyang diabetes.
Nakita ko kung gaano ang pag-aasikaso ni Clara kay kuya hanggang pinakiusapan ako ni kuya na palitan ko muna si Clara sa pagbaÂbantay sa kanya para maasikaso naman ang tatlo nilang anak.
Hindi ako nakatiis nang kami na lang daÂlawa ni kuya sa ospital. Tinanong ko siya bakit si Clara ang pinili niya. Sinabi niyang mahal na mahal niya ang ka-live in dahil ito lang daw ang nagbigay sa kanya ng pagmamahal at sapat na atensiyon. Sinabi rin niya na kung hindi na siya makakaligtas sa karamdaman ay sa kanilang bahay na ako tumira para may makasama si Clara.
Hindi na nga nakaligtas ang kapatid ko, Dr. Love, namatay siya. Sa kanilang bahay ako nakatira ngayon at napatunayan ko sa sarili na magaling ang naging pagpili niya sa kapareha sa buhay. Hindi ako tinratong iba ni Clara dahil para sa kanya, mahal niya ang lahat ng mahal sa buhay ni kuya at handa niya raw itong pagÂlingkuran bilang alaala ng aking kapatid.
Bago po pumanaw ang kapatid ko, kinasal muna sila ni Clara para maging lehitimo ang kanilang anak. Inampon din po ni kuya ang mga anak sa unang asawa ng dating ka-live in. Dakila po ang pag-ibig nilang dalawa para sa isa’t isa. Sana po, maging ehemplo sa iba ang kuya ko at Clara na hindi natinag ng mga intriga at pangungutya ng mga nasa paligid nila.
Maraming salamat po at more power.
Sumasainyo,
Dainty
Dear Dainty,
Natitiyak kong kinapulutan ng magandang aral ng mga readers natin ang love story ng iyong kapatid. May he rest in peace at salamat sa pagtitiwala mo sa pitak na ito. God bless you.
Dr. Love