^

Dr. Love

Miss kita kung Christmas

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa tuwing naririnig ko ang awiting pamasko na “Miss Kita Kung Christmas,” ako’y nalulungkot dahil naaalala ko ang aking asawang sumakabilang-bahay.

Tawagin mo na lang akong Analiz, 30 an­yos at iniwan ng asawa, dalawang taon na ang nakararaan.

Ulirang asawa siya in fairness. Ako ang na­ging pasaway sa aming pagsasama. Hindi mo naitatanong, masyado akong maluho at magastos.

Habang kandakuba ang asawa ko sa pag­hahanapbuhay ay gastos lang ang inaatupag ko.

Inaaway ko siya kapag pinapansin niya ang pagka-gastadora ko. Pero napupuno rin pala ang tao kapag ‘di na makatiis. Akala ko, sobrang bait niya at hindi niya ako kayang iwanan.

Isang araw, nagising na lamang ako na wala na siya sa tabi ko. Isinama pati ang nag-iisa naming anak na lalaki.

Nabalitaan ko na may iba na siyang kina­kasama. Ngayon nama’y labis akong nagsisisi sa aking nagawa. Gusto kong magsama ka­ming muli at nangangako akong magbabagong buhay, kaso nauunahan ako ng hiya.

Ano ang gagawin ko?

Analiz

Dear Analiz,

Humingi ka ng tawad sa kanya. Mabuti lagi ang pagkilala sa kamalian at paghingi ng tawad.

Kung may komunikasyon ka sa kanya, ipaabot mo sa kanya ang iyong pagsisisi. Pero isang katanungan kung babalikan ka pa niya o mananatili sa piling ng kinakasama lalo pa’t isang ulirang partner ang natagpuan niya.

Medyo komplikado ang problema mo pero hindi pa huli ang lahat. Gawin mo ang lahat ng pagsisikap para mapatawad ka niya at mabuong muli ang inyong nawasak na pamilya.

Dr. Love

ANALIZ

ANO

DEAR ANALIZ

DR. LOVE

GAWIN

HABANG

HUMINGI

MISS KITA KUNG CHRISTMAS

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with