^

Dr. Love

Hinaing ng battered wife

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta kayo. Sana’y malayo kayo sa problema at karamdaman sa pagtanggap ng aking sulat. Tawagin n’yo na lang akong Eden.

Magandang pangalan at siguro sasabihin ninyong parang paraiso. Pero kabaliktaran po iyan ng aking buhay na isang mistulang impiyerno.

Naniniwala ako sa sinasabi ng Biblia na ang pinagsama ng Panginoon ay ‘di dapat paghiwalayin ng tao.

Kaso ako po’y nakapangasawa ng isang la­laking nambubugbog at ubod ng seloso. Tatlong taon na akong kasal sa lalaking ito at gusto kong hiwalayan.

Pero ako po’y taong may takot sa Diyos. Ano po ang dapat kong gawin?

Eden

Dear Eden,

Naniniwala rin ako sa sinasabi ng Biblia. Pero ang lahat ng ginagawa ng mister mo ay labag sa itinuturo ng Salita ng Diyos na dapat mahalin ang asawa.

Habang nagtatagal ang pakikisama mo sa lalaking iyan, nabibingit ang buhay mo. Puwede kang magdemanda laban sa kanya. Hindi komo asawa ka niya ay puwede kang gawing punching bag.

Isa pa, mayroon tayong family code o batas na nagtatadhana ng mga dahilan para pawalang bisa ang kasal at ang pambubugbog ay isa sa mga matibay na dahilan para maipa-annul mo ang iyong kasal.

Dr. Love

 

ANO

BIBLIA

DEAR EDEN

DIYOS

DR. LOVE

HABANG

ISA

NANINIWALA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with