^

Dr. Love

Pinagnanasahan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Vilma, 24-anyos at tatlong buwan pa lang kasal sa asawa ko.

Nakatira ako sa mga biyenan ko at kapag pumapasok ang aking asawa sa trabaho ay  kaming dalawa lang sa bahay ang naiiwan ng biyenan kong lalaki.

Madalas kong mahuling makahulugan ang titig sa akin ng aking biyenan at natatakot ako na baka humantong sa ‘di maganda. Ang bi­yenan kong babae kasi ay isang OFW sa  Saudi.

Second husband lang ng biyenan kong babae ang biyenan kong lalaki kaya bale stepfather lang ng asawa ko. Naiisip ko na baka ganyan na lang ang pagnanasa sa akin dahil hindi naman niya totoong anak ang mister ko.

Natatakot akong magsumbong sa mister ko at baka ako pa ang kagalitan. Ano ang dapat kong gawin?

Vilma

Dear Vilma,

Ang ganyang problema ay hindi itinatago. Kailangan mo talagang sabihin sa asawa mo para mahadlangan ang hindi magandang posibleng mangyari. Aba, kung kakampihan pa niya ang kanyang stepfather, anong klaseng mister siya?

Mas mabuting humiwalay kayo habang ma­aga. Kahit umupa kayo ng maliit na kuwarto. Ganyan naman talaga ang dapat gawin ng mag-asawa. Humihiwalay sa magulang at nagpu­pundar ng sariling tahanan. Huwag mo nang hintaying may mangyaring masama. Sabihan mo na ang tungkol dito sa mister mo habang maaga.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR VILMA

DR. LOVE

GANYAN

HUMIHIWALAY

HUWAG

KAHIT

KAILANGAN

VILMA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with