Paalala sa lahat ng e-wallet users: Wrong Number is Wrong Send, Ugaliing mag-Double Check

Sa dami ng "wrong-send" stories ngayon, isa lang ang dapat mong tandaan: Ang maling pindot, walang undo.

Dahil ang digital transactions ay user-authorized, kapag na-confirm mo na ang 'Send,' ituring mo na itong pinal. Hindi ito parang text na pwedeng bawiin; mahirap, matagal, at madalas ay hindi na maibabalik ang perang napunta sa iba. Bakit mo payayamanin ang taong hindi mo naman kakilala?

Bago i-click ang "Send," ugaliing mag-double check:

I-check ang pangalan.

I-double check ang bawat numero.

I-confirm kung tama ang halaga.

Siguraduhin ang padala para hindi mauwi sa abala. Maging wais at mapagmatyag sa bawat transaksyon.

Show comments