^

Bansa

Makabayan, front ng CPP - ex-rebels

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumantad ang dalawang dating mga rebelde upang isiwalat ang mga umano’y kasinunga­lingan ng Makabayan Coalition maging ang kaugnayan nito sa Communist Party of the Philippines (CPP) at itanggi ang akusasyon laban sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). 

Inilahad nila Noel Legaspi, dating NPA cadre at Arian Jane Ramos, dating CPP lider, na ang pagsasampa ng kaso ng Makabayan Coalition, binubuo ng mga partylists na Bayan Muna, Gab­riela, Kabataan, at iba pa sa Commission on Elections (Comelec) noong April 22 na inaakusahan ang NTF-ELCAC sa pa­ngunguna ni Executive Director Ernesto Torres, Jr. ng “red-tagging” ay maliwanag na propaganda lamang upang lumakas ang kanilang impluwensiya. 

“This is not red-tagging. This is truth-telling. Naroon ako noong gawin ng CPP ang Makabayan Bloc bilang ‘legal cover.’ These groups — Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis, Kabataan, even Migrante and ACT — were conceived to infiltrate government and hijack public discourse”, ani Legaspi

Sinusugan naman ni Ramos ang pahayag ni Legaspi at sinabing isa lamang ‘diversion tactic’ ang pagsasampa ng kaso ng CPP sa Comelec. 

Sinabi ng dalawa na ang NTF-ELCAC ay di kumikiling sa anumang partidong politikal, at tinutupad lamang ang mandato nito sa Saligang Batas upang isiwalat ang mga kaugnayan ng grupo upang labanan ang pamahalaan. 

Sa kabilang banda, sinabi naman ng NTF-ELCAC’s Legal Coo­peration Cluster (LCC) na walang basehan ang reklamo ng Makabayan at ‘di nito inaalintana ang isinampang kaso sa COMELEC laban sa task force. 

REBELS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with