Anti-piracy bill muling sinusulong

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ng isang multimedia entertainment company na ang kawalan ng online piracy ay magdadala sa creative economy ng Pilipinas sa antas ng South Korea.
Ito, ayon sa Viva Communications, ay magiging posible sa pagpasa ng anti-online piracy bill.
Sa kasalukuyan, dalawang panukalang batas — Senate Bill Nos. 2150 at 2385 — ang nakabimbin sa Senado, na kapwa naglalayong amyendahan ang Intellectual Property Code of the Philippines upang matugunan ang online piracy.
“If not for piracy, we could have a bigger budget to create more content for our audience to enjoy, but we’re getting less than what we hope to get. If not for piracy, we could be a formidable creative economy on par with South Korea,” pahayag ni Vicente “Vic” del Rosario Jr., chairman and CEO ng Viva Communications.
Ginawa ni Del Rosario ang pahayag habang nilagdaan ng Viva Holdings, Inc. at ng 37 subsidiaries nito ang E-Commerce Memorandum of Understanding (MOU) upang palakasin ang proteksiyon ng content at retail products nito sa iba’t ibang digital platforms upang puksain ang piracy at counterfeiting online sa pamamagitan ng kasunduan.
Isinusulong ng Globe Telecommunications Inc. ang pangangailangan na palakasin ang mga pagsisikap laban sa piracy, partikular ang pagpasa ng batas para ma-institutionalize ang site blocking.
“This worrying trend highlights the urgency of strengthening enforcement against piracy, which can be done through amending the Intellectual Property Code to enable site blocking. We believe this will go a long way in curbing content piracy, which will in turn support the creative industry and protect our customers from the dangers posed by pirated content,” wika ni Yoly Crisanto, chief sustainability and corporate communications officer ng Globe.
Isang grupo ang nauna na ring nagpahayag ng pangamba sa pagkaantala ng pagpapasa ng Senado sa anti-online piracy bill, binigyang-diin na ang kawalan ng mga legal na proteksiyon para sa intellectual property ay patuloy na nakasisira sa creative industries dahil sa patuloy na paglaganap ng piracy.
- Latest