Pangangampanya ng politiko bawal sa grad rites - DepEd

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of Edu­cation (DepEd) ang mga public schools sa bansa na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaraos ng partisan political activities o electioneering sa pagdaraos ng end-of-school year (EOSY) rites para sa School Year 2024-2025.

Sa DepEd Memo na inisyu ni Education Secretary Sonny Angara, pinaalalahanan ang lahat ng DepEd officials, teaching at non-teaching personnel na sila ay mahigpit na pinagbabawalang makilahok sa anumang aktibidad na pampolitika, alin­sunod na rin sa mga umiiral na polisiya.

Binigyang-diin din ng ahensiya na ang EOSY rites, gaya ng graduation at moving-up ceremonies, ay hindi dapat na maging maluho at sa halip ay maging simple lamang ngunit makahulugan.

Show comments