Alyansa irerespeto desisyon ni Imee na ‘wag nang sumama sa kampanya'

Senator Imee Marcos.
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Irerespeto ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas ang desisyon ni Sen. Imee Marcos na huwag na munang sumama sa kampanya dahil sa isyu ng pag-aresto kay da­ting pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Alyansa campaign manager Rep. Toby Tiangco, hindi pa niya nakakausap si Sen. Marcos kaugnay ng hindi muna pagsama nito sa pangangampanya ng kanilang grupo. Pero kung ito aniya ang pani­nindigan ng senadora ay rerespetuhin nila.

Sinabi rin ni Tiangco na mainam na ring sinabi ito ng senadora para alam nila ang posisyon ng re­electionist senator.

Kinumpirma ni Marcos sa panayam sa Unang Balita na naapektuhan ang kanyang partisipas­yon sa campaign sorties ng Alyansa sa pag-aresto sa dating pangulo.

Samantala, hindi na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang pangalan ng kapatid nang ikampanya niya ang mga kandidato ng Alyansa sa Cavite.

Show comments