Modernong Pamilya itutulak ng “Pamilya Ko” Partylist

MANILA, Philippines — Labas sa nakagawiang konsepto, modernong pamilya ang tututukan ng ng “Pamilya Ko” partylist sa Kongreso kung papalaring makaupo.

Ito ang inihayag ni Atty. Anel Diaz, first nominee ng Pamilya Ko partylist, sa kaniyang pangako nang magsagawa ng house-to-house sa malaking bahagi ng Barangay 78 sa Caloocan City, kasama ang kanyang mga taga-suporta.

Ayon sa abogado, gumawa sila ng isang acronym na “lovables” na sumasagisag sa mga live-in partners, OFWs, families, victims of domestic abuse, adapted families, blended families, extended and elderlies, at solo parents na makikinabang sa batas na nais nilang maipasa.

Tatlo aniyang legislative measures ang ihahain nila kung sakali at makasungkit ng puwesto sa kongreso at una na rito ang magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang lahat ng mga bata, lalu na sa mana ng magulang, maging sila man ay ipinanganak ng ina na hindi.kasal sa asawa.

Ihahain din nila ang panukalang “domestic partnership law” na pakikinabangan ng mga maglive-in partner at mga LGBTQ o lesbian, gay, bisexual, at transgender couples na matagal ng nagsasama nang sa gayon ay magkaroon sila ng karapatan na makapagmana at mangasiwa sa kanilang ari-arian at mabigyan ng karapatan makapagdessyon sa usaping medikal kung sakali at dinala nila sa pagamutan ang kanilang partner na may malubhang kalagayan.

Ang ikatlo aniyang panukalang batas na kanilang nais isulong ay magkaroon ng batayang legal ang surrogacy o yung pagbabayad sa mga babaing magluluwal ng sanggol para maging anak ng mag-asawang hindi magka-supling. Sinabi ni Atty.

Diaz na sa ngayon ay walang batas na magre-regulate sa surrogacy kaya karaniwan na itong tinatagurian bilang pang-aabuso at pagsasamantala.

”Alamin natin yung conditions, parameters, proteksiyunan natin yung magulang, yung sanggol at yung surrogate kasi tatlong partido ang involve dito,” dagdag pa ni Atty. Diaz.

Show comments