^

Bansa

Higit 1,400 alkalde lumahok sa 2025 LMP General Assembly

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal na inilunsad ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) ang 2025 General Assembly nito sa The Manila Hotel mula Pebrero 10 hanggang 13.

Mahigit 1,400 punong bayan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang ina­asahang dadalo upang talakayin ang mga usapin sa pamamahala, pagpapanatili ng kaunlaran, at katatagan ng ekonomiya.

May temang “Pamana ng Pamumuno, Matatag na Kinabukasan: Pagkakaisa ng mga Pinuno para sa Pambansang Kaunlaran,” layunin ng pagpupulong na iayon ang mga estratehiya ng mga lokal na pamahalaan sa pambansang adhikain para sa pag-unlad.

Sa Pebrero 12, makikipagpulong si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga alkalde sa pamamagitan ng President’s Hour, kung saan tatalakayin niya ang suporta ng Malacañang sa pagpapalakas ng lokal na pamamahala.

“Layunin ng pagtitipon na bigyan ng kapangyarihan ang ating mga punong bayan sa pamamagitan ng makabago at epektibong solusyon, estratehikong pakikipagtulungan, at pinakamahusay na gawi sa pamamahala,” ayon kay LMP National President at La Paz, Abra Mayor Joseph Bernos.

Tampok sa pagpupulong ang Graduation Ceremony para sa mga alkalde na nakapagsilbi ng tatlong termino bilang pagkilala sa kanilang liderato at dedikasyon. Mayroon ding panel discussions sa mga mahahalagang isyu tulad ng climate resilience, urba­nisasyon, pampublikong-pribadong ugnayan, at pakikilahok ng mamamayan. Magkakaroon din ng workshops na tututok sa makabagong pamamahala, sustainable deve­lopment initiatives, at mga oportunidad sa pondo para sa mga bayan.

Sa harap ng mga hamon tulad ng climate change, lumalawak na urbanisasyon, at pabago-bagong ekonomiya, ang assembly ay magsisilbing plataporma upang mapagtibay ang kooperasyon sa pagitan ng mga alkalde, pambansang liderato, at mga katuwang mula sa pribadong sektor upang makabuo ng matatag at progresibong mga pamayanan.

GENERAL ASSEMBLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->