Pagpasok sa Philippines ng 300 Afghan refugees, suportado
MANILA, Philippines — Para sa makataong kadahilanan, suportado ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang aksyon ng gobyerno na payagan ang pagpasok ng 300 Afghan sa Pilipinas habang pinoproseso ang kanilang Special Immigrant Visa (SIV) para sa paninirahan sa Estados Unidos.
Ito ay alinsunod din sa isang kasunduang nilagdaan noong Hulyo 29, 2024 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na niratipikahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Setyembre 25, 2024 upang pansamantalang kupkupin ang Afghan refugees habang pinoproseso ang kanilang mga SIV.
Sinabi ng senador na ang pagtanggap sa mga refugee ang pinakamataas na pamantayan pagdating sa pagsunod sa internasyonal na pangako sa karapatang pantao.
“We Filipinos have a proud history of extending humanitarian aid to those in need, including Jewish refugees during the era of President Manuel L. Quezon and Vietnamese refugees after the Vietnam War. Recently, we also provided assistance to Rohingya refugees,” ani Tolentino.
Ang Afghan refugees ay mananatili sa isang pasilidad na pinatatakbo ng US State Department nang hanggang 59 araw.
- Latest