Petition for bail, ibinasura ng korte
MANILA, Philippines — Inaasahang mananatili at magpa-Pasko na sa female dormitory ng Pasig City Jail si dismissed Bamban Mayor Alice Guo matapos na ibasura ng mababang hukuman ang hiling niyang makapagpiyansa sa kinakaharap na kasong qualified human trafficking.
“The Petitions for Bail filed by accused Alice Leal Guo, Rita Sapnu Yturralde, Rowena Gonzales Evangelista, Thelma Barrogo Laranan, Merlie Joy Manalo Castro, Rachelle Joan Malonzo Carreon, and Jaimielyn Santos Cruz are denied considering that the evidence presented by the prosecution against them during the bail hearing is strong,” bahagi ng desisyong inilabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167z
Gayunman, nabatid na pinaboran naman ng hukuman ang petisyong makapagpiyansa ng dalawa pang akusado sa kaso na sina Jaimielyn Santos Cruz at Maybelline Requiro Millo, dahil sa mahinang ebidensiya laban sa kanila.
Bukod sa kasong qualified human trafficking, si Guo ay may kinakaharap rin iba pang kaso sa hukuman.
Kabilang dito ang graft, money laundering, at tax evasion.