Visa access sa mga dayuhan pinadali na

This undated photo was taken at the Ninoy Aquino International Airport.

MANILA, Philippines — Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagluluwag sa visa access sa mga dayuhang manggagaling sa mga bansang Amerika, Australia, ­Canada, Japan at iba pa.

Ayon sa Pangulo, wala siyang nakikitang hadlang sa mungkahi ng Private Sector Advisory Council (PSAC) para magpatupad ng pagluluwag sa pagbibigay ng visa access maging sa mga foreigners na magmumula sa Singapore at United Kingdom.

Base sa rekomendasyon ng PSAC, mas madali na ang visa access sa AJACS (American, Japanese, Australian, Canadian, Schengen) at AJACSUK (American, Japanese, Australian, Canadian, Schengen, Singapore or UK) visa holders.

“I think we should stop messing around with this system. It’s so clear already. And again, it’s something that we don’t have to pilot because it has been done for us in many, many airports,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Subalit ayon sa ­Pangulo, kailangan lamang itong pag-aralan ng mabuti lalo na sa usapin sa seguridad.

Matatandaang ­nilagdaan ni Pangulong Marcos ang VAT Refund Law o Republic Act (RA) No. 12079 na nagbibigay ng refund sa mga turista na bibili sa accredited retail outlets sa mga produktong Filipino ng P3,000 sa loob ng 60 araw.

Show comments