NTF-ELCAC suportado IP leaders para ma-convict si Cong. Castro

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagsuporta ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga indigenous people (IPs) ng Talaingod, Davao del Norte, sa paghahain ng mga ito ng ‘ethics complaint’ laban kay Rep. Francisca “France” L. Castro ng Alliance of Concerned Teachers Party-List o’ ACT Party-List.

Ayon sa NTF ELCAC,hangad nilang makamit ng Ata Manobo Tribal Council of Elders and Leaders na kinatawan nina Datu Allan Causing, Andigao Agay, at Gusting Dalyak Dausay ang hustisya lalo pa at miyembro ng Kamara si Castro.

Naniniwala ang task force, bilang lingkod bayan, handa dapat ito na makinig sa mga hinaing ng taong bayan lalo na kung hustisya ang kanilang hinihingi, at panagutin ang mga nagkasala.

Ang reklamo ng mga IPs, para sa NTF-ELCAC ay sa hangaring mapanagot si Castro at 13 pa sa kasong child abuse, sa 14 na menor-de-edad na mga Lumad na mag-aaral noong November 28, 2018.

Sinabi ng NTF ELCAC na ang aksiyon ni Castro noong panahon na iyon ayon sa mga Lumad elders, ay nalabag ang kanilang mga karapatan, lalo na ang pagiging patas na ipinag-uutos ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Show comments