Wheelchair, tungkod sagot na rin ng PhilHealth

Sinabi ni PhilHealth senior vice president for health finance policy sector, Israel Francis Pargas, na 10 rare diseases ang maku-cover na rin ng PhilHealth sa hinaharap, kabilang ang mga inborn errors of metabolism, lysosomal storage diseases, at maple syrup urine syndrome.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Palalawakin pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang healthcare packages at sasakupin na rin maging ang mga rare diseases at mobility devices.

Sinabi ni PhilHealth senior vice president for health finance policy sector, Israel Francis Pargas, na 10 rare diseases ang maku-cover na rin ng PhilHealth sa hinaharap, kabilang ang mga inborn errors of metabolism, lysosomal storage diseases, at maple syrup urine syndrome.

Bukod dito, sasagutin na rin umano nila ang mga assistive mobility devices gaya ng wheelchairs at tungkod, basta’t ito ay may preskripsiyon ng doktor.

Umaasa ang PhilHealth na maisasapinal na ang mga polisiya sa mga naturang bagong healthcare package bago matapos ang taon upang mapakinabangan ng kanilang mga miyembro.

Una nang inanunsiyo ng PhilHealth na sasakupin na rin nila ang dental care services, gaya ng mouth examination/oral screening, dental prophylaxis o cleaning, at fluoride varnish application.

Show comments