Gastos sa biyahe abroad ng OVP noong 2023, triple tinaas — COA

MANILA, Philippines — Triple ang tinaas ng halaga ng gastos sa pangi­ngibang bansa ng mga opisyales ng Office of the Vice President noong 2023 na umabot sa P42.58 milyon.

Ayon sa Commission on Audit (COA), mas mataas ito ng 648% o nasa P11.15 milyon mula sa P1.49 milyong foreign trips ng OVP noong 2022.

Sinasabing ang naturang pondo ay ginastos para sa daily allowances at travel costs ni Duterte, kanyang security detail at delegado sa pagpunta sa ibang bansa.

Wala namang ulat ang COA kung gaano karami ang foreign trips ng OVP noong 2023 pero si VP Sara ay may tatlong trips abroad bilang official capacity noong 2023.

Batay sa tanggapan ng OVP, si VP Sara ay nagtungo sa Brunei at Singapore noong Hunyo para sa education-related meetings bilang head ng Southeast Asian Ministers of Education Organization kung saan ang Pilipinas ang chairperson dito at nagtungo rin ng South Korea noong Setyembre para sa Education global summit.

Ang malaking gastos na nasa P31.43 milyon ay nang magtungo si VP Sara sa mga lugar sa ating bansa kasama ang kanyang staff, security detail at tauhan mula sa iba’t ibang dibisyon.

Wala pang ulat ang COA sa nagastos ng DepEd noong 2023.

Show comments