Sara ‘papalag’ kapag inaresto – Bato

Senator Ronald “Bato” dela Rosa answers questions from the media during a press conference at the Senate in Pasay City on September 18, 2024.

MANILA, Philippines — Nakatitiyak si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na papalag si Vice President Sara Duterte kapag may nagtangka sa kanyang umaresto dahil sa ginawang pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez.

Napaulat na sinabi ni Dela Rosa noong Martes na habang sinasaktan si Duterte ay lalo itong lumalaban.

Ipinahiwatig din ni Dela Rosa na nakahadang makipag-rambolan ang bise presidente.

“Let’s get ready to rumble, The more you hurt her, the more she [will] fight back,” Sen. Ronald “Bato” napaulat na sinabi ni Dela Rosa.

Nauna rito, pinadalhan si Duterte ng National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena at pinahaharap sa NBI Main Office sa Pasay City sa Biyernes, Nobyembre 29 sa ganap na alas-9 ng umaga.

Samantala, sa isang press conference ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ng gabi, nanawagan ito sa militar at pulisya na makialam at protektahan ang Konstitusyon sa gitna ng isang “fractured government.”

“There is a fracture in government, and only the military can see the solution,” ani Duterte sa kanyang livestreamed sa Facebook page.

Kaugnay sa nasabing panawagan ni Duterte na “military intervention” sinabi ni Dela Rosa na ang papel ng militar ay i-stabilize and bansa at hindi i-destabilize dahil sila ang tagapagtanggol ng mga mamamayan.

“Yun talaga ang papel ng military di ba to stabilize the country not to destabilize. So sila ang ultimate defender ng Filipino people,” ani Dela Rosa.

Show comments