Cong. Cajayon-Uy, doble lamang kay Erice

Pulse Asia survey sa Caloocan

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ni Cong­resswoman Mitch Cajayon-Uy sa pinakabagong November Pulse Asia survey, kung saan nakakuha siya ng 67% na suporta (163,484 boto).

Mahigit doble ang kanyang lamang laban kay Egay Erice, na nakapagtala lamang ng 30% (72,563 na boto), habang 3% ang nananatiling hindi pa desidido.

Pinapakita ng resulta ng survey ang tumataas na kumpiyansa ng mga taga-Caloocan sa liderato ni Cajayon-Uy at ang kanyang kakayahang maghatid ng mga konkretong solusyon sa mga pa­ngangailangan ng mamamayan.

Malaki ang inilayo niya mula sa mga naunang resulta ng survey, na nagpapakita ng epektibo niyang programa at matibay na koneksyon sa komunidad.

Si Cajayon-Uy, na tumatakbo sa platapormang “pagpapatuloy at pag-unlad,” ay muling iginiit ang kanyang dedikasyon sa pagpapalawak ng mga pangunahing proyekto, tulad ng mga educational scholarship, tulong pang­kalusugan, at pagpapabuti ng imprastraktura sa Caloocan.

Marami sa mga residente ang nagpapahayag ng pasasalamat sa kanya dahil sa mga pagbabagong direktang nararamdaman sa kanilang mga buhay.

Samantala, tila nahihirapan si Egay Erice na makahabol, sa kabila ng kanyang mga pagsubok na kwestyunin ang administrasyon ni Cajayon-Uy.

Ayon sa mga analyst, hindi nakakakuha ng sapat na suporta si Erice dahil sa mataas na tiwala ng publiko kay Cajayon-Uy, na kilala sa pagtupad ng kanyang mga pangako.

Show comments