Sa panawagang ‘coup’
MANILA, Philippines — ‘No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter can take over.’’
Ito ang matapang na sagot ng Malacañang sa panawagan ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa militar na protektahan ang Constitution sa halip na suportahan si Pangulong Ferdinand ‘’Bongbong’’ Marcos Jr.
“And he will go to great and evil lengths, such as insulting our professional armed forces by asking them to betray their oath, for his plan to succeed”, pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Panawagan pa ni Bersamin sa dating pangulo na igalang ang konstitusyon at huwag itong labagin. Itigil na rin anya ni Digong ang pagiging iresponsable tulad ng kanyang ipinapakita.
‘’Nakakagulat ang garapalang panawagan ni dating Pangulong Duterte sa ating sandatahang lakas na maglunsad ng kudeta laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,’’ dagdag niya.
Kaya giit ni Bersamin, na kikilos ang estado ng buong tapang para tutulan ang anumang ilegal na pagtatangka at hamon at ipagtatanggol ang sambayanang Filipino sa pamamagitan lamang ng mga legal na paraan.
“This administration will not shirk from its sworn duty to govern and manage the affairs of the Filipino Nation according to the Constitution and the Rule of Law. It will defend its legacy before the Filipino People only by lawful means. The state will act resolutely to go against all unlawful attempts and challenges,” ayon pa kay Bersamin.
Hindi rin aniya katanggap-tanggap ang marahas na paraan ng pagkuha ng kapangyarihan upang madaling maluklok bilang Pangulo sa pamamagitan ng pagpaslang, panggugulo, at pag-aalsa at sa halip ay dapat maghintay sa tamang panahon at sumunod sa tamang pamamaraan.