P6.352 trilyong 2025 budget aprub na sa Senado

MANILA, Philippines — Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang P6.352 trilyong national budget para sa 2025.

Bumoto ang 18 senador pabor, walang negative vote, samantala nag-abstain si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel.

Ayon kay Pimentel, nag-abstain siya upang pairalin ang kanyang “wait and see attitude” at tingnan kung ano ang mangyayari sa “bicameral conference meetings.”

Ayon kay Sen. Grace Poe, chair ng Senate Committee on Finance, ang pondo ng Office of the Vice President at maging ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ay idedetermina sa pagtalakay ng bicameral conference committee dahil kailangan pa nilang konsultahin ang kanilang counterparts sa House.

Nauna rito, tinanggal ng Senado ang P39 bilyong panukalang pondo para sa AKAP, ang cash aid program para sa mga minimum wage workers.

Ayon kay Pimentel, dapat bantayan ang nasabing pondo sa AKAP.

Sinabi rin ni Pimentel na dapat pairalin ang disiplina sa paggastos ng pondo at iwasan ang “wasteful spending.”

Ipinaalala rin ni Pimentel na ang inaasahang kakulangan sa pondo o budget deficit sa 2025 ay aabot sa P1.53 trilyon samantalang ang utang ng national government ay inaasahang aabot sa P17.35 trilyon at ang gross borrowings para sa 2025 ay papalo sa P2.5 trilyon.

Show comments