Quadcom sa pag-cite in contempt sa mga iniimbestigahan, irereklamo sa SC

The seat of the Supreme Court of the Philippines in Manila.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Irereklamo sa Korte Suprema ng grupong Kontra Abuso ng Kongreso ang mga kasapi ng “Quad Committee ” sa kapangyarihan ng mga mambabatas na nag-iimbestiga sa POGO, EJK at alleged human rights violations ng nagdaang administrasyon at ibang komite na nag-iimbestiga sa pondo ng Office of the Vice President.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, convenor ng Kontra Abuso ng Kongreso, may kapangyarihan ang Quadcom na mag-imbestiga sa isang taong nais na imbestigahan at mag-cite ng contempt sa isang iniimbestigahang personalidad pero hindi sila husgado para maglitis ng isang tao at lalapatan agad ng contempt sa taong hindi nila nagugustuhan ang sagot sa kanilang katanungan.

“Sinabi ng Korte Suprema na ang legislative inquiry seeks to aid legislation, not conduct a trial or make an adjudication.Thus, the legislative inquiry cannot result in legally binding the privation of a person’s life, liberty or property.

Sinabi ni Inton, na sa takbo ng hearings sa Kongreso ay hindi kagulat- gulat kung may kampong dumulog sa Korte Suprema para hamunin ang pag-imbestiga ng Quad Comm at ilang komite dahil mukhang hindi na in aid of legislation ang kanilang ginagawa kung hindi isa nang paglilitis.

Ang pahayag ni Inton ay reaksyon sa na-cite for contempt na si Atty. Zuleika Lopez, Chief of Staff ni Vice Pres. Sara Duterte nang hindi nagustuhan ang sagot kaugnay ng pondo ng Office of the Vice President.

Show comments