Revilla ‘to the rescue’ sa mga biktima ni Pepito sa Northern Luzon

MANILA, Philippines — Dahil sa sunod-sunod na bagyo na tumama sa Pilipinas na labis na nakaapekto lalo na sa Northern Luzon, hindi tumitigil ang tanggapan ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Kahapon, nagdala si Revilla ng tulong sa mga probinsya ng Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya. Doon ay personal niyang isinagawa ang Bayanihan Relief (BR) para sa mga naging biktima ng bagyong Pepito.

Nagbigay si Revilla ng mga pagkain, tubig at iba pang pangangailangan para sa mga residente na tinamaan ng bagyo.

Ayon sa Senador, makakatulong ito para maibsan ang mapait na karanasan ng mga kababayan niyang hinagupit ng kalamidad.

Personal niyang kinumusta ang mga kababayan niya at hinimok na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan.

Sabi ni Revilla, mabilis na makakabangon ang mga kababayan kung sama-samang magtutulungan.

Show comments