Pangulong Marcos: Magbahagi ng pamasko sa mga nasalanta ng bagyo

President Ferdinand Marcos Jr. on October 16, 2024.
PPA Pool photos by Revoli Cortez

MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na ibahagi rin ang pamasko sa mga nasalanta ng mga bagyo.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na sana ay alalahanin din ng publiko ngayong Pasko ang mga residenteng naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo.

“Sana naman pagka-dating ng Pasko, tayong mga Filipino, alalahanin naman natin ang ating mga kababayan na nasalanta, na kahit papaano sana iyong ating gawing pamasko, ipamahagi na lang natin sa kanila. Kawawa naman at sila ay naghihirap,” pahayag pa ni Marcos.

Base sa ulat, isang 76-anyos na lalaki ang nasawi sa Daet dahil sa bagyong Pepito.

Si Pepito na ang ikaanim na bagyo na tumama sa bansa kasunod ng mga bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika at Ofel.

Show comments