MANILA, Philippines — Patuloy na nakakaangat si Cong. Mitch Cajayon-Uy ng Lakas-CMD sa tiwala ng mga taga-2nd District ng Caloocan, base sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa pagka-kongresista sa darating na 2025.
Sa survey na isinagawa noong Oktubre 20-24, umabot sa 64% ang suporta para kay Cajayon-Uy, malayo sa 33% na nakuha ng kanyang katunggali na si Egay Erice ng Liberal Party—isang malakas na pahiwatig ng kumpiyansa ng publiko sa kanyang pamumuno.
Bilang kasalukuyang kinatawan ng distrito, si Cong. Cajayon-Uy ay kilala sa kanyang pagpapatupad ng mga programa para sa edukasyon, kalusugan, at trabaho na siyang nakatulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga residente.
Ang kanyang malaking kalamangan sa survey ay nagpapakita na nais ng mga taga-2nd District na ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan para sa mas maunlad na kinabukasan ng Caloocan.