‘Marce’ papasok sa PAR ngayong Lunes

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA), alas-3 ng hapon kahapon, namonitor ang tropical depression sa layong 1,350 km silangan ng Eastern Visayas, na may lakas na hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong aabot sa 70 kph, at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 30 kph.
PAGASA

MANILA, Philippines — Tatawaging ‘Marce’ ang namataan na low pressure area na na­ging tropical depression sakaling pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Lunes.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA), alas-3 ng hapon kahapon, namonitor ang tropical depression sa layong 1,350 km silangan ng Eastern Visayas, na may lakas na hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong aabot sa 70 kph, at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 30 kph.

Sa pagtataya nito, patuloy na maaapektuhan ng easterlies ang silangang bahagi ng Luzon at Visayas sa susunod na 24 oras.

Una nang sinabi ng PAGASA na isa o dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan.

Show comments