Sesyon ng Senado balik na sa Lunes

Employees enter the Senate of the Philippines as seen in this photo release on Monday, Aug 5, 2024.

MANILA, Philippines — Balik na muli sa Lunes, Nobyembre 4 ang sesyon ng Senado na tatagal hanggang Disyembre 20, 2024.

Inaasahan na magiging prayoridad sa pagbabalik ng sesyon ang pagtalakay sa panukalang 2025 national budget.

Bagaman at wala pang petsa, ipagpapatuloy rin ng subcommittee na pinamumunuan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang pagdinig sa “war on drugs” ng nakaraang administrasyon.

Nauna nang sinabi ni Pimentel na posibleng hindi na ipatawag si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa hearing matapos ang una nitong pagsipot dahil wala pa namang senador ang nagsusulong na muli itong imbitahan.

Matatandaan na inako ni Duterte ang kinahinatnan ng kanyang “war on drugs” na ayon sa kanya ay kailangang gawin para mailigtas ang mga Filipino sa kasamaang idinudulot ng ilegal na droga.

Show comments