Patay kay ‘Kristine’, 90 na

People on a boat conducts relief operations at a flooded area due to the heavy rains brought about by Tropical Storm Trami in Naga, Camarines Sur on October 25, 2024. Philippine rescue workers battled floodwaters on October 25 to reach residents still trapped on the roofs of their homes as Tropical Storm Trami moved out to sea after killing at least 40 people.
AFP / Zalrian Sayat

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 90 katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine habang tumaas na rin sa mahigit 5 milyon ang mga naapektuhang indibidwal sa bansa.

Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, posibleng tumaas pa ang bilang dahil patuloy na pinaghahanap ang nasa 36 katao habang 71 naman ang nasugatan.

“Mabilis po ang pagtaas, pumapasok na ang mga reports, actually from 81, naging 85 then 90 na ‘yung death toll,” ani Nepomuceno.

Sa report ng PAGASA, pang tatlong buwang ulan ang ibinuhos ni Kristine sa Bicol Region sa loob lang 24 oras.

Samantala, nakapasok na ng bansa kahapon si ‘Leon’ na inaasahang magiging bagyo sa mga susunod na araw.

Huling namataan si ‘Leon’ 1,195 kilometers silangan ng Central Luzon taglay ang lakas na hanging na 65 kph at bugsong 80 kph.

Bagamat inaasahan ang paglakas, walang itinaas na Tropical Cyclone Wind Signal dito ahensiya.

Ang bagyong Kristine naman na patuloy na lumalayo sa ating bansa ay may tiyansa pa ring bumalik sa ating area of responsibility.

Show comments