Pinoy binitay sa Saudi Arabia – DFA

Ayon kay De Vega, ginawa ng ahensiya ang lahat ng makakaya sa kaso ng akusadong Pinoy, kabilang ang pagpapadala ng presidential letter of appeal subalit nabigo sila.
DFA FB Page

MANILA, Philippines — Isang Pilipino ang binitay sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa pagpatay sa isang Saudi national, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes.

“No official confirmation from Saudi authorities yet but yes, our Embassy in Riyadh reports that there was an execution. It was for murder of a Saudi national over money,” sabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega.

Ayon kay De Vega, ginawa ng ahensiya ang lahat ng makakaya sa kaso ng akusadong Pinoy, kabilang ang pagpapadala ng presidential letter of appeal subalit nabigo sila.

“We did all we could: court appeal, presidential letter of appeal, trying to get the victim’s family to accept blood money. In the end, our efforts were not successful as the victim’s family wanted the death penalty instead of accepting blood money,” aniya pa.

Nirerespeto naman ng embahada ang hiling na privacy ng pamilya ng Pinoy.

Sa isang ambush interview naman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ilang oras bago tumulak sa 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summit sa Vientiane, Lao PDR, sinabi niya na halos lima hanggang anim na taon nilang inilaban ang kaso ng pinoy.

Nalaman lang niya ito ng manungkulan sa pwesto at sinabi sa kanya na matagal na ang naturang kaso.

May maliit na lamang aniya silang magagawa at wala na silang pagpipilian gawin bagamat umapela rin sila sa mga kaibigan nila sa Saudi na mayroong mabu­buting puso para muling suriin ang kaso para masiguro na tama ang hatol.

Tiniyak naman ni Marcos na ibibigay ang lahat ng kailangang legal para maiuwi dito sa bansa ang bangkay ng Pinoy.

Nagpahayag naman ng pakikiramay at dasal si Pa­ngulong Marcos sa pamilya ng nasawi.

Show comments