MANILA, Philippines — Pumalo na sa 190 ang bilang ng mga sasakyang pandagat ng China na nakita sa West Philippine Sea (WPS) kumpara sa nakaraang linggo na 78 lamang.
Batay sa ulat Philippine Navy, ang mga barkong ito ng China ay nakita sa WPS mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 6.
Ang mga barko ng China ay kinabibilangan ng 28 ang People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG) vessels sa Ayungin Shoal, Escoda Shoal (Sabina Shoal), at Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).
Ayon sa PN, ang patuloy na presensiya ng mga barko ng China sa WPS ay lantarang pabalewala at pambabastos sa 2016 Arbitral Tribunal ruling at paglabag sa soberenya ng Pilipinas.
Samantala, sinabi ng Phl Navy na pinananatili ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangako nitong itaguyod ang internasyonal na batas at ipagtanggol ang integridad ng teritoryo ng bansa.