MANILA, Philippines — Isang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nakapwesto sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (WPS) ang binomba ng tubig ng barko ng China.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nakatanggap sila ng impormasyon kahapon ng umaga sa nangyaring water cannon incident na kagagawan ng Chinese Coast Guard vessel kahapon ng umaga.
Nabatid na nagsasagawa ng routine resupply mission ang BRP Cabaylo at BRP Datu Sanday ng BFAR nang bombahin ng tubig ng barko ng CCG.
Gayunman, hindi pa rin napigil ng tatlong CCG at isang PLA-Navy vessel na makapaghatid ng ayuda at supply ang mga barko ng mangigisdang Pinoy.
Nasa pitong malalaking barko at 16 na fishing boats ang naayudahan.
Tumanggi namang magbigay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng iba pang detalye hinggil sa nagyaring insidente at ipinauubaya na ito sa BFAR.