Cavite Governor Remulla ‘top choice’ na next DILG chief

Ang appointment umano ni Remulla ay ihahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sandaling bumitiw na sa puwesto si DILG Secretary Benhur Abalos na maghahain naman ng kanyang kandidatura sa pagka Senador.
STAR/File

MANILA, Philippines — Lumulutang ngayon ang pangalan ni Cavite Governor Jonvic Remulla na susunod na Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang appointment umano ni Remulla ay ihahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sandaling bumitiw na sa puwesto si DILG Secretary Benhur Abalos na maghahain naman ng kanyang kandidatura sa pagka Senador.

Si Remulla umano ang “top choice” ni PBBM.

Si Remulla ay kapatid ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Bukod kay Remulla, ikinokonsidera rin sa DILG position sina Navotas Rep. Toby Tiangco, National Security Adviser Eduardo Año, South Cotabato Go­vernor Reynaldo Tamayo Jr., Quirino Governor Dakila Carlo Cua at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Jr.

Show comments