MANILA, Philippines — Opisyal nang lumahok si Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo sa ruling Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) nitong Biyernes, at mismong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang siyang nag-administer sa panunumpa niya bilang ika-112th miyembro ng House of Representatives.
Pinuri naman ni Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD, si Tulfo bilang isang mahalagang karagdagan ng kanilang partido, at nagpahayag ng kumpiyansa sa mahalagang kontribusyon na hatid niya sa partido at sa bansa.
“Rep. Erwin Tulfo is a tremendous asset to both our party and the nation, embodying not only seasoned public service but also courage and integrity,” ani Speaker Romualdez.
Si Tulfo, na dating journalist at kalihim ng DSWD)m, ay kilala sa kanyang walang takot at ‘no-nonsense approach’ sa public service, gayundin sa hindi matatawarang dedikasyon niya para sa kapakanan ng marginalized Filipinos.
Siya ay kasalukuyang frontrunner sa Senate race para sa May 2025 midterm elections.
“Cong. Erwin’s track record speaks for itself, and we are honored to welcome him into Lakas-CMD. His fearless advocacy for the underprivileged and commitment to improving the lives of ordinary Filipinos make him a perfect fit for our mission of nation-building,” ani Speaker Romualdez.
Nagpahayag din ang lider ng Kamara ng optimism na ang membership ni Tulfo ay maghahatid ng sariwang enerhiya sa partido.
Sinabi niya na ang pagsapi ni Tulfo sa Lakas-CMD ay inaasahang magpapalakas sa legislative drive ng partido, partikular na sa social reforms at public welfare initiatives.