MANILA, Philippines — Humihingi ng paumanhin si House Deputy Majority Leader Janette Garin nang magkaroon ng tensyon at agawan ng mikropono sa plenary deliberations para sa budget ng Department of Health.
Ayon kay Garin, isang unfortunate incident ang nangyari.
“Emotional outbursts typically occur when passions run high during clashes of views between opposing legislators, epecially when they are deliberating on the general appropriations bill under time pressure,” pahayag ni Garin matapos mag-viral sa social media ang insidente.
Aminado si Garin na naging emosyonal siya at nais lamang na pagandahin ang public health care sa bansa.
“Tatlong araw nang pabalik-balik ang taga-DOH para maisaayos ang badyet para sa kanilang mga programang maibigay ang maayos na serbisyo sa Filipino… kaya nang makita kong inagaw ng isang kongresista ang mikropono para sa kanyang paulit-ulit na pagtangkang mabalam ang proseso ay agaran kong sinuportahan ang mosyon ng minority na tapusin ang balitaktakan sa plenaryo,” pahayag ni Garin na kilala rin bilang Doc Nanay sa health communities.
Sa huling araw ng budget deliberation pinutol ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee ang pagsasalita ni Senior Deputy Minority Leader Paul Daza at inagaw ang mikropono habang pinipilit ni Daza na i-terminate na ang deliberasyon sa budget ng DOH.
Dahil dito, napilitan si Garin na terminate na ang plenary deliberation.
“And all is well that ends well,” pahayag ni Garin.