^

Bansa

Bong Go inagurahan SHC sa Dasmariñas City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagsisikap ni Senador Christopher “Bong” Go na mailapit ang serbisyo publiko sa mga Pilipino lalo na sa mga mahihirap, may sakit at nangangailangan.

Noong Miyerkules, Setyembre 25, personal na dumalo si Go sa inagurasyon ng bagong Super Health Center sa Dasmariñas City, Cavite at tumulong sa mga mahihirap na residente sa lungsod sa pakikipagtulu­ngan ni Mayor Jenny Austria-Barzaga.

May kabuuang 1,667 indibidwal, kinabibilangan ng PWDs, Magulang ng SPED, kababaihan, solo parents, at senior citizens na nagtipon sa Dasmariñas Arena ang nakatanggap ng suporta mula kay Go, tulad ng food packs, meryenda, bitamina, masks, kamiseta, foldable fan, basketball at volleyball. Nakatanggap din ang ilang benepisyaryo ng sapatos, mobile phone, bisikleta, at relo.

Nakipagtulungan din si Go sa lokal na pamahalaan ng Dasmariñas City sa pangunguna ni Mayor Bargaza sa pagbibigay ng suportang pinansyal sa indigent sectors na naroroon.

Bukod sa pagtulong sa vulnerable sectors, pinangunahan din ni Go ang pagpapasinaya sa isa sa kanyang mga pangunahing adbokasiya para sa komunidad -- ang pagtatayo ng Super Health Center.

Ayon kay Go, ang Super Health Centers ay makatutulong nang malaki upang mabawasan ang rate ng occupancy sa ospital bukod sa nailalapit ang mga pangunahing serbisyong medikal sa grassroots.

vuukle comment

NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with