^

Bansa

Presyo ng bigas nagsimula nang bumaba

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng bigas nagsimula nang bumaba
Inaasahan naman ng DA na makakapag-ani ng 20 milyon metriko tonelada ngayong taon.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Asahan na ang matatag na supply at pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa ngayong Oktubre.

Ito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa sa press briefing sa Malakanyang.

Ayon kay De Mesa, tulad ng naipangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsimula nang bumaba ang presyo ng bigas dahil sa inaasahang anihan ng palay at ang pagdating ng imported na butil ngayong taon.

Inaasahan naman ng DA na makakapag-ani ng 20 milyon metriko tonelada ngayong taon.

Nilinaw pa ng opisyal na ang inaasahang 400 hanggang 600 metriko toneladang pagkalugi kada taon ay nasa loob pa rin ng limitasyon tulad na lamang ng epekto ng mga nakaraang bagyo kung saan tinatayang 420,000 metriko tonelada ang nawala.

“And iyong ating import natin nasa three million metric tons na. So, in terms sa supply, maganda iyong expectation natin iyong ating projection. Sa presyo naman, nakita na natin mayroon na tayong PhP42 sa imported rice, ang local natin is PhP45,” ayon pa kay De Mesa.

Dahil dito kaya inaasahan na mula Oktubre hanggang Enero ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa presyo ng bigas.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with