^

Bansa

P12.4 milyong premyo sa naplantsang lotto ticket ‘di pa nakukubra — Tulfo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P12.4 milyong premyo sa naplantsang lotto ticket �di pa nakukubra � Tulfo
Sa pagdinig ng Senate Subcommitee on Games and Amusement na pinamumunuan ni Sen. Raffy Tulfo, inusisa nito kung bakit sinusuway ng PCSO ang desisyon ng SC na ibigay kay Antonio Failon Mendoza ang napanalunan nito sa lotto kahit pa naplantsa ang kanyang lotto ticket.
Philstar.com / Hazel Cruz

MANILA, Philippines — Hindi pa rin naibibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang premyong P12,391,600 sa nanalong mananaya kahit pa may desisyon na ang Supreme Court.

Sa pagdinig ng Senate Subcommitee on Games and Amusement na pinamumunuan ni Sen. Raffy Tulfo, inusisa nito kung bakit sinusuway ng PCSO ang desisyon ng SC na ibigay kay Antonio Failon Mendoza ang napanalunan nito sa lotto kahit pa naplantsa ang kanyang lotto ticket.

“Now PCSO, P12,391,600 sinabi na po ng Supreme Court na bayaran na itong ticket na napalanunan ni Mr. Antonio Failon Mendoza, bakit dine-defy niyo ang order ng Supreme Court,” ani Tulfo.

Ipinaliwanag naman ni PCSO Chairman Feliz Reyes na totoong “final” at “executory” na ang desisyon ng SC tungkol sa pagbibigay ng mahigit na P12.3-M kay Mendoza pero kailangan pa aniya nitong kumuha ng clearance sa Commission on Audit.

Sinabi pa ni Reyes na ini-refer na nila si Mendoza sa COA at dahil ang pera ay kukunin mula sa gobyerno kailangan muna nitong sundin ang nakasaad sa circular tungkol dito.

Nangako naman si Reyes na ibibigay ang ­premyo sa sandaling makuha na ni Mendoza ang kinakailangang clearance.

Kinuwestiyon naman ni Tulfo kung bakit kailangan pa ng clearance gayong napanalunan naman ni Mendoza ang first prize at idinaan pa nito sa SC ang problema nang naplantsang ticket.

Ipinaliwanag ni Reyes na hindi naman lahat ng nananalo sa lotto ay kailangang kumuha ng clearance. Nagkataon lamang aniya na nagkaroon ng legal dispute dahil nakaabot ang kaso sa SC.

Sabi pa ni Reyes na tutulungan na sana nila si Mendoza na maghain ng petisyon sa COA pero iba aniya ang ina-advise ng abogado sa kanyang kliyente.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with