^

Bansa

POGO probe ng Senado tututok naman sa Porac

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
POGO probe ng Senado tututok naman sa Porac
The site of the so-called Philippine offshore gaming operator in Porac, Pampanga as seen in June 2024 during the inspection of Sen. Sherwin Gatchalian.
Gatchalian's office / Released

Pagkatapos ng Bamban…

MANILA, Philippines — Tatapusin na ng Senado ang imbestigasyon nito sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Bamban, Tarlac para tutukan ang ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, nasabi na niya kay Sen. Risa Hontiveros na puwede na nilang pagtuunan ng pansin ang nangyaring raid sa Porac. Si Hontiveros ang chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, na nagsasagawa ng pagdinig sa ilegal na POGO at paglabag nito sa karapatang pantao. Ipinunto ni Gatchalian na kung hindi nalalagay sa “spotlight” ang nangyaring raid ay hindi nasasampahan ng kaso ang mga dapat managot. Noong Hunyo, natuklasan ng mga awtoridad ang mga biktimang pinahirapan sa umano'y torture room at ebidensya ng mga operasyong "love scam" sa loob ng Porac POGO hub.

Sinabi ni Gatchalian na magkakaugnay ang mga personalidad na nauugnay sa krimen sa bayan ng Bamban at Porac habang halos magkatulad ang kanilang modus. Isa rito si Tony Yang, kapatid ni Michael Yang, ang economic advisor ni dating pangulong Rodrigo Duterte, na diumano ay katransaksyon ng na-dismiss na Bamban mayor Alice Guo noong kasagsagan ng operasyon ng POGO sa kanyang munisipalidad. Naniniwala si Gatchalian na kaunting panahon na lamang ang hihintayin para mailipat si Guo mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame patungo sa Pasig City Jail Female Dormitory. Sa kabila ng karapatan ni Guo na makapag-piyansa, mananatiling nakakulong ang na-dismiss na alkalde dahil nahaharap pa rin siya sa non-bailable human trafficking charges.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with