MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkadismaya si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon sa ipinakitang asal ni Vice President Sara Duterte kamakailan kaugnay ng budget hearing ng Kamara sa OVP.
Ayon kay Gadon, tungkulin ni VP Sara na ipaliwanag sa Kongreso ang kanyang hinihinging budget alinsunod sa National Expenditure Program (NEP) ng pamahalaan at naisasama sa General Appropriations Act (GAA)
“VP Sara called for the termination of the OVP budget hearing citing: lack of proposed legislation or substantive matter for discussion.Hindi ba niya alam na ang budget hearing is a legislation in itself? Where is she coming from?” ani Gadon.
Paliwanag ni Gadon, ang GAA ay batas kung saan kailangan na malinaw ang paggastos ng pondo. Aniya, napupunta sa maling paggastos kung walang tamang sistema.
“That is why there should be a LAW and to come up with a law, budget hearings are a must , duty and obligation of the Congress..,” dagdag ni Gadon.
Obligasyon anya ng mga kongresista na magtanong at repasuhin ang budget proposal.