Quimbo sinopla sa free WiFI budget

Kung wala ang mga legal na batayang ito, sinabi ni Herrera na maituturing itong "unconstitutional." Tanong pa ni Herrera, saan kukunin ng DBM ang pampuno sa nasabing pondo kung gagamitin na ito DICT para sa programa nitong libreng WiFi. Walang naitugon si Quimbo kaya pinayuhan na lang nito si Herrera na dalhin ang kanyang isyu sa Korte Suprema.
STAR/ Fil

MANILA, Philippines — Sinupalpal ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa pagdinig ng Kamara sa budget ng free WiFi program ng gobyerno. Kinuwestiyon ni Herrera ang paggamit ng pamahalaan sa pondo na nakalaan sa free WiFI program ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ibang proyekto. Depensa ni Quimbo, habang hindi nagagamit ng kaukulang ahensiya ang pondo, maaari itong pansamantalang gamitin ng gobyerno para sa ibang proyekto.

Agad din naman daw itong ibabalik kapag kailangan na ng pinagkunang ahensiya. Pero agad binara ni Herrera ang posisyon ni Quimbo, sa pagsasabing ang pera na inilaan ng batas sa isang partikular na bagay ay hindi maaaring gamitin sa ibang proyekto. Giit ni Herrera, maaari lang gamitin ang pondong inilaan para sa isang proyekto para sa ibang programa kung may legal na batayan, gaya ng batas, presidential decree o international agreement.

Kung wala ang mga legal na batayang ito, sinabi ni Herrera na maituturing itong "unconstitutional." Tanong pa ni Herrera, saan kukunin ng DBM ang pampuno sa nasabing pondo kung gagamitin na ito DICT para sa programa nitong libreng WiFi. Walang naitugon si Quimbo kaya pinayuhan na lang nito si Herrera na dalhin ang kanyang isyu sa Korte Suprema.

Una nang pinuna ni dating presidential spokesperson at abogado na si Salvador Panelo ang pamumuhay ni Quimbo matapos kumalat sa social media ang mga larawan nito na may suot na mamahaling alahas at branded na mga bag na milyun-milyong piso ang halaga kapag dumadalo ng hearing o sesyon ng Kamara. Wala pang inilalabas na reaksiyon si Quimbo kaugnay sa mga naging pahayag ni Panelo.

Show comments