Pangulong Marcos tinamaan ng sakit

Pangulong Ferdinand ­Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Dahil sa kaliwa’t kanang aktibidad at pagdiriwang ng kaarawan tinamaan ng sakit si Pangulong Ferdinand ­Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa sa isang pulong balitaan sa Malakanyang.

Ayon kay Herbosa, posibleng dahil ito sa kaliwa’t kanang selebrasyon para sa kanyang birthday kung saan nagdiwang ang Pa­ngulo ng kanyang ika-67 kaarawan noong Set­yembre 13.

Ayon kay Herbosa, “under the weather” ang Pangulo.

Sa rami aniya ng bumati kay Pangulong Marcos, maaring nahawaan ito ng virus.

Dahil dito kaya nakasuot ng face mask ang Pangulo nang pangunahan ang sectoral meeting sa Malakanyang kahapon.

“No, he just said he’s under the weather. So, I supposed, it was his birthday last week, so, sa rami ng bumati sa kanya  I’m sure someone passed him a bad bug,” ayon pa sa kalihim.

Show comments